Tirik (20.9.2012)

 Dito 

kung saan ang mga bitui'y 

nagparang mga brilyante 

sa aking paanan

tanaw ko ang mundong

natutulog

 

sa halip na sumiping

ako'y mistulang

kandila

nagliliyab

nagsisilbing tanglaw

sa sariling paninimdim


Comments

Popular posts from this blog

The Pop-out Lighter

The Panasonic Lumix LX3: a 2023 Review

The Pillow