Eksena sa Bangko (17.7.20)


SIKYO: (pinupuri ang munting BMX ko, kausap ang kapwa sikyo) "Yan ang gusto kong bike. Pwede kong italon sa bangketa!"

ME: (lumapit at kinalas ang bike lock)

SIKYO: "Sayo yan, sir?"

ME: Opo.

SIKYO: "Ang ganda ng setup mo! Gusto ko rin ng ganyan. Mahilig kasi ako ng talon-talon."

ME: "Nagpapalipad din ako ng bike noon sa rampa. Di ko na kaya ngayon kasi may edad na pero love ko talaga BMX." (at tuloy ko nang sinuot ang balaclava at helmet)

SIKYO: "Hindi ako nagsusumbrero ng ganyan kasi malakas makalagas ng buhok at makakalbo ako, hahaha!"

ME: "Naku, wala na pong malalagas saken. Mas iniisip ko po safety ko kesa pogi points. Mas guwapo din ako kapag naka-helmet, hehe" (Gusto kong sabihin:" Papanget, ka din pag basag ang ulo mo, gago!")

Sabay padyak palayo!


#safetyalways

#bmxforever

#livealegend

#jennifer

#faith

Comments

Popular posts from this blog

The Pop-out Lighter

The Panasonic Lumix LX3: a 2023 Review

The Pillow